Saturday, July 12, 2014

CHEAP CELLPHONE AROUND NAMPO-DONG BUSAN SOUTH KOREA



Nagkaron ng recall ng battery ng samsung note1 at since busy sa weekdays inalok ako ng kaibigan na sya nalang daw ang pupunta ng service center para papalitan ang battery ko.




Binigyan pa ko ng isa pang extra battery, dahil alam daw nyang madalas akong magbyahe at me extra naman sya dun. Siguro dahil sa dami na din ng kaibigan kong naisama dun para bumili ng cellphone kaya nya binigay ang isang battery. Nakalibre tuloy ng 2 manon, (o 1,000 pesos) pera na din yun.



Mr. Jerrard (Manager)


Ang manager na si Jerrard ay nakailang balik na sa Pinas ang nag asikaso na mapalitan ng service center ang baterya ko at nagbigay ng isa pang extra battery. At dahil sanay na sa pinoy mas malaki sya magbigay ng discount sa ten kesa sa ibang lahi.



Mr. Sajangnim



Sya naman si Boss Richard ang may ari ng cellphone store. Minsan me kataasan ang presyo nila kesa sa ibang tindahan pero marami din mas mura sa kanila. Ganun naman kahit saan kaya mas maige mag canvass muna bago bumili ng kinakailangan cellphone.I


Pera ng iba't ibang bansa galing sa kanilang mga customer



Kapag pumasok kayo at nakita nyo ang koleksyon ng pera na to, yan na ang cellphone store na sinasabi ko. Mabait kausap ang mga taong to kaya naging suki kami dito.


Madami din syang suki na ibang lahi.


Kung sakaling gusto nyong makita ang cellphone store nila nasa kalagitnaan sya ng Nampo at Jagalchi Station dito sa Busan.



Share mo ito sa mga kaibigan mo dito sa Busan baka merong naghahanap sa kanila ng murang cellphone na maganda pa ang quality.

No comments:

Post a Comment