Wednesday, July 30, 2014

HOW MUCH IS THE SALARY AS EPS WORKER AND HOW to COMPUTE INCLUDING OVERTIME PAY?



Since nang nagpost ako about sa pag-aapply para sa exam ng TOPIK this coming November, madami ang nag-email, PM at nagtanong personally kung magkano nga ba talaga ang inaabot ng sahod dito.



At since me mga tanong din sa ten kung papano kino-compute ang OT, me sample din akong ginawa sa baba.


Sa umpisa, subukan nating ipakita simula sa minimum na makukuha hanggang sa typical na sahod ng mga Pinoy dito.



Minimum Wage:
  • Hourly rate: 5,210 won
  • Daily Rate: 41,680 won
  • Monthly Rate: 1,088,890 won (based ito on a 40hrs/week, 209 hrs work) -ito ang kadalasang makikita nating rate sa kontrata natin.

Paalala: Me pagkakaiba sa sahod ng kumpanyang me less than 20 employees sa me more than 20 employees. Naghahanap ako ng mas credible na source tungkol dito, kung me idea kayo please post it sa comment section at kung me link kayo ng source mas maganda.



Isama ko na din ang paraan ng pagcompute ng sahod base sa mga napagtrabahuan kong kumpanya.


Papano naman kinocompute ang sweldo kasama overtime?



OT rate: Regular overtime (pagkalagpas ng 8 hrs of work) 5,210 x 1.5 = 7,815/hr

Sat/Sun/Regular holiday = 62,520/8hrs 
Note: kapag lumagpas po ng 8 hrs same computation lang po sya ng regular OT.
Night Differential: 5,210 x 0.5 = 2,605 / hr


Ang sundays, kapag wala kang absent for the whole week, bayad ito ng buong araw kahit di ka pumasok. So parang free day mo sya.



Me mga kumpanya dito na pati sabado kahit nasa 40hr/week babayaran ang sabado mo, pero hindi lahat ng kumpanya ganito.



Pero para sa mas madaling pagbibilang kung magkano ang aabutin ng sahod ay isama na ang sabado at linggo (kung ang company ay kasama sa 40 hr workweek). Para dun sa kasama sa 44 hr work week ay ang 4 hrs ng sabado ay regular pay pero ang linggo ay overtime na din.



Magbigay tayo ng halimbawa:






Kung kasama ang kumpanya mo sa 40hr/wk at hindi bayad ang sabado kapag walang pasok, ito ang magiging computation.

From August 2 to August 8, sa 8am - 8pm na pasok, usually 2.5 hrs ang ot niyan per day. Ibabawas dyan ang lunch break na 1 hr at 30 minute dinner break sa hapon.

Kakalabasan nyan, 12.5 hrs OT para sa monday to Friday, at 8 hrs sa sabado.

Total number of OT sa 1st week ay 20.5.

Sa 2nd week, same pa din ang number of OT 12.5 hrs, ang nadagdag naman dito ay ang night differential.

Ang Night Differential ay simula 10pm to 6am, But since may break ng 12-1, babayaran sa iyo ay 7 hrs.

Total night differential sa 2nd week ay 35.

Kung bibilangin natin lahat lahat ganito na ang kakalabasan.

Total OT:

June 1-30 (Kasama ang sabado)  :  

            68.5 hrs   x   7,815 = 535,327.5 won

   Night differential (10 days x 7hrs/day) = 70hrs

           70   x   2,605  =  182,350 won


Regular pay: assuming na wala kayong absent
30 days   x   41,680  =   1,250,400 won


TOTAL SAHOD: (reg. pay + ot pay + night diff)
1,968,077  won


Gaya ng nasabi ko sa taas, medyo me kaibahan ang 44hrs work week, na composed ng mas konting employee, companies that has less than 20 employees. mostly nito ay family businesses lang at kadalasang puro pang umaga lang. Ang magiging paraan ng pagbilang ng OT sa sabado ay ang half day (8-12) ay regular pay at ang hapon (1-5) ay OT na.


Paalala din, kapag ikaw ay umabsent ng 1 araw sa isang linggo, 2 araw ang makakaltas sa iyo dahil ang sunday pay ay ibibigay lang kung kumpleto ang pasok mo sa isang linggo. At kung dalawang araw ang absent mo ay 3 araw ang mawawala sa sahod mo.


Me mga kumpanya din na kasama sa 40 hr work week ang nagbibigay ng sahod sa sabado kahit walang pasok at OT na kapag pumasok. Ang hindi lang maganda dito ay kapag absent ka ng isang araw ay magiging 3 days ang mababawas sa sahod.






No comments:

Post a Comment