Wednesday, July 9, 2014

KLT 11 EXAM SCHEDULED ON NOV. 16, 2014



May bagong update tungkol sa exam sa KLT.  Batch 11 or 11th EPS-TOPIK na ito. Base sa post sa www.poea.gov.ph, ang dahilan kung bakit nagkaroon ng panibagong exam ay sa kadahilanang hindi naabot ang quota ng passers noong KLT 10.





Ito ang isang screenshot sa post ng POEA, iklik ang link para sa original post.
http://poea.gov.ph/graphics/11th%20topik%20announcement.png


source: http://poea.gov.ph/graphics/11th%20topik%20announcement.png





Magandang balita ito lalo na doon sa mga hindi nakapagparehistro para sa KLT 10 dahil sa bagong sistema ng survey muna bago makapagparehistro


Ang KLT11 ay para pa din sa mga lalaki na hindi pa nalagpas ng 38. So far wala pa rin po tayong balita kung kelan magkakaroon ng KLT para sa kababaihan.


Here are the steps para magparegister sa upcoming KLT11.


1. July 29 - Aug 6, 2014:
      - sagutan ang survey na ipopost sa www.poea.gov.ph.
      - kailangan ng passport (valid/not expired)
      - important reminder: kailangan masagutan ang survey na ito dahil hindi ka tatanggapin 
        sa registration kung hindi mo nasagutang ang survey na ito.

2. Aug 28, 2014
      - Iaanounce ang registration date ng mga nakasagot sa survey.


3. Sept 8 - 12, 2014
      - Registration
      - Yung mga nakasagot lang sa survey ang makakapagregister.
      - Tandaan ang registration date at dun lang sa araw na iyon pumunta sa registration 
         centers para hindi na maabala dahil hindi kayo maireregister sa ibang araw.

4. Oct 16, 2014
      - Announcement of Test Venue and time.

5. Nov 16, 2014
      - test date

6. TEST RESULTS

GOOD luck mga kabayan!


Sana makapasa kayo at mabigyan ng katuparan ang pangarap na makapunta sa Korea.


Para sa gustong malaman kung magkano ang magagastos sakaling nakapasa at nagdesisyon na ituloy ang pagpunta sa Korea, iklik ang link na ito: http://epsinkorea.blogspot.kr/2014/07/magkano-ang-magagastos-sa-pag-aapply-sa.html




16 comments:

  1. hello po after ko masagutan yung survey may nalabas na code/or number at di ko na matndaan nwala kasi ang pic ko nun. sa aug 28 po ba ay mnga pangalan ang nakalista na kukunin nila sa nkpag fill-up ng survey?

    ReplyDelete
  2. ey, elijah, gusto ko name mo... pangalan ng panganay ko, hehe... sa pagkakaalam ko lahat ng nakapagfill-up ng survey ng tama at pumasok sa system, maisasama dun sa listahan na ilalabas nila.. sana makasama ka dun bro...

    ReplyDelete
  3. salamat po sir.. :) kahapon pa po ako nag visit sa site ng POEA wla ako mahnap na nilabas na listahan nila saan po ba mhahanap yun? salamat po sa respond sir..

    ReplyDelete
    Replies
    1. elijah, sorry namiss ata natin ang info nila na announcement ang ilalabas noong aug. 8.. kung makakatawag ka bro sa POEA mas maganda, sinubukan ko kasing tumawag minsan sa breaktime ko kaso walang nasagot.. di naman ako makatawag sa oras ng trabaho at busy kami nitong nakaraang linggo.. kung makukuha kang info baka pwede mo din icomment nalang din para mas marami makaalam sa mga kababayan.. tnx ng madame, sir elijah..

      Delete
    2. tol, check mo ang link na to.. jan ang names ng nakapagparegister.. good luck
      http://poea.gov.ph/epstopik/11th%20topik%20registration_sked.htm

      Delete
  4. pwede po bang mg apply uli ang ng tnt noon

    ReplyDelete
  5. pwede po bang mag apply uli ang mga ng tnt na

    ReplyDelete
    Replies
    1. mam, meron akong nakakilala na umuwi noong 2001 na nakabalik na.. pero yung bago lang wala pa rin.. meron nga 2008 sya nagsurrender di sya pinayagan last yr.. ewan ko lang ngayon, mas maige itanong nyo po sa POEA o di kaya sa HRD.. POEA Hotlines:
      722.11.44 / 722.11.55 ... HRD address at contact number 2002-A West Tower, Philippine Stock Exchange Center, Exchange Road
      Ortigas Center, Pasig City Philippines
      Tel: (63)2-470-1853.. sana makatulong

      Delete
  6. salamat tlga sa pag bigay ng link na ma dl q yung pdf para sa name list sir arwin.. ngayun lang aq nka update bz din hanap ng work sa local

    ReplyDelete
  7. San po pwede makita ulet yung test venue and time kase hindi ko nakita last oct 16 yung sched nung ipinost nila

    ReplyDelete
  8. San po makikita yung tet venue ng exam kase hindi ko po nakita last oct 16 yung sched.thanks po

    ReplyDelete
    Replies
    1. bro, oct 31 pa ata ang posting ng venue..

      " Allocated list of test takers will be posted on POEA website on test date announcement, October 31, 2014. Test takers should check , their test date and session and test venue through the POEA website."
      dito sa link sa baba ko nakuha ang info na yan...
      http://www.poea.gov.ph/epstopik/11th%20EPS%20TOPIK%20Announcement.pdf

      Delete
  9. hello..
    kung register po aq ngayon november 2014, pano q po malalaman kng kailan po aq mgeexam?please help me.thank you.

    ReplyDelete
    Replies
    1. kung nakaregister ka para sa exam sa Nov. 16, http://epsinkorea.blogspot.kr/2014/10/announcement-of-date-and-venue-11th-eps.html
      nanjan ang link na may list kung san magtitake ng exam..

      tnx for dropping by bro

      Delete
  10. salamat sa post na ito sir arwin. http://epsinkorea.blogspot.kr/2014/10/announcement-of-date-and-venue-11th-eps.html . kinakabahan na ako hehe
    http://www.poea.gov.ph/epstopik/11th%20EPS%20TOPIK%20Announcement.pdf

    ReplyDelete