Sunday, July 13, 2014

PINOY NA PINOY RESTAURANT STORE IN BUSAN



Kung nasa Busan ka at naghahanap ka ng pagkaing pinoy at lugar na makakapagrelax ng kaunti at maging at home sa Korea, punta ka sa Pinoy Restaurant Store o mas kilala sa dating pangalan na Sari sari.








Ang pwesto nila ay nasa tapat ng MetroBank kaya kung maghuhulog kayo pwede na kayong dumeretso sa SariSari at kumain ng pinoy food.





Si Monique Lee: Ang may ari ng Pinoy na Pinoy Restaurant

Meron din silang binebentang philippine goods gaya ng yosi, tsitsirya at mga pabangong produkto sa Pinas.



Grocery products available

Meron din mga delata gaya ng sardinas, tuna, fruit cocktail at marami pang iba. Para ka lang namili sa katabing sarisari store sa Pinas kapag nadayo ka sa tindahan na ito.





Manuel, a fellow Bisaya from Cebu enjoying the game of billiards
Meron din silang billiard table na pwedeng rentahan ng 5,000 won per hour. Magandang paglaruan kasama ang tropa.


Araw araw din silang bukas kaya kung meron kang kailangang bilhin pwede kang pumasyal lang dun at mamili ng mga kakailanganin mo.


Pwede mo din tawagan si Monique sa numerong 010-7237-3209.








No comments:

Post a Comment