Friday, August 22, 2014

BE A HERO TO A BABY SUFFERING FROM BILIARY ATRESIA



Me isang kaibigan tayo na ex-Korea ang lumapit sa atin para humingi ng tulong para sa anak ng kanyang kaibigan na me sakit na biliary atresia.


Si baby Ivan Burlaos ay anak ng parehong OFW sa Abu Dhabi, UAE. Ipinanganak syang walang gallbladder o apdo kaya kinakailangan syang maoperahan agad agad.




photo grabbed from BE A HERO for BABY IVAN Facebook Page



Ang malaking problema ng mga magulang niya ay ang napakamahal na singil sa operasyon.


Base sa report ng GMA NEWS (nasa baba po iyong link), aabot ng humigit kumulang 4.758 milyon pesos ang kailangan.


Maraming grupo na ang nagtutulong tulong, hindi lang sa Abu Dhabi, kundi pati sa iba't ibang bahagi ng mundo kung saan me mga kakilala ang mga magulang ni Ivan.


Pwede tayong makipag-ugnayan sa Facebook Page na ito (i-click lang po ang link na nasa tabi para mapunta kayo sa FB page) BE A HERO for BABY IVAN.


Nandiyan din po ang updates at pictures ni Baby Ivan kung gusto nyong makita ang updates sa kanya.


Para sa mga gustong magdonate pwede nyong ipadala ang inyong donation dito.




Pwede din kayong tumawag sa mga teleponong ito para direktang makipag-ugnayan sa kanila.

+971-555-042-584 at +971-556-123-960


Kami po, kasama ng mga magulang at kaibigan ni Baby Ivan ay kumakatok sa inyong mga puso para matulungan siyang makalampas sa kanyang sakit.


Meron na po tayong natulungan na Baby dati na ngayon ay maayos na ang kanyang kalagayan.


Sobrang blessed po tayo kaya huwag na pong magdalawang isip na magshare ng ating blessing para sa batang nangangailangan ng ating tulong.


Para sa buong ulat ng GMA News, i-click lang po ang link sa baba

http://www.gmanetwork.com/news/story/374966/pinoyabroad/news/pinoy-couple-in-uae-seeks-help-for-liver-transplant-for-8-month-old-son

No comments:

Post a Comment