Thursday, August 14, 2014

HOW TO APPLY FOR A BALIK MANGGAGAWA AT THE POEA with ONLINE APPLICATION



Medyo napasarap ang bakasyon kaya matagal tagal na hindi ko naupdate ang blog na ito.



Naexperience ko din ang pagkuha ng balik manggagawa sa wakas. Napakabilis ng process kung ikaw ay nakapagpa-appointment ka online.



Ganito lang ang ginawa ko.
(Dapat me pictures yun pagprocess ko but since may naghihintay sa ken na asawa ng kasamahan ko, kinailangan kong magmadali kaya pasensya na).



Pagkapasok mo ng POEA, punta ka agad sa area ng balik-manggagawa, sa first floor. Ipakita agad ang form mo sa guard sa pinto at diritso ka sa window at dun ipakita ang appointment form mo. Kapag me mga nauna na sa iyo, papabalikin ka sa upuan at maghintay na tawagin ka.



Ihanda lang ang kontrata, alien registration card o anumang katibayan na ikaw ay babalik sa kumpanyang pinanggalingan katulad ng certificate of employment, Company ID o di kaya ay pay slip.



Sunod ay pupunta ka sa window katabi ng cashier para macheck ang OWWA, Philhealth at Pag-ibig coverage mo.



Kung updated pa ang OWWA, Philhealth at Pag-ibig, mo ipakita mo lang ang mga resibo mo para mas mabilis, kung hindi naman kelangan mong i-update lahat ng to.



Kung hindi ka naman updated sa OWWA, ang minimum na babayaran mo ay US $ 25.00 or its peso equivalent.



Sa Philhealth ang minimum na coverage na dapat bayaran ay 1 year, which is 2,400.00 pesos. Pwede kang magbayad din ng 2 yrs coverage kung gusto mo. Medyo mabigat ang 2,400.00 pero since nakaavail ako ng malaki laki nung manganak si misis at pwede ko din naman magamit in-case me maospital sa pamilya ko, I opted for a 2 years coverage na binayaran ni misis nung march kaya cleared na ako dito.



Sa Pag-ibig, sa aking pagtatanong tanong duon ang babayaran mo ay depende sa coverage na mapipili mo. Napili ko ay plan 500 at 6 months kaya 3,000 pesos ang binayaran ko. Pwede din naman 100 lang ang bayaran mo, yun ang pinakamababa at one-month coverage.



Minimum na babayaran ko sana is 100 lang para sa OEC, but since gusto ko nga din bayaran ang Pag-ibig, ang total na binayaran ko ay 3,100.



Ang total stay ko sa POEA kasama na ang sa Pag-ibig kung saan ako nagtagal sa dami ng tanong ko, ay 25 minutes. Siguro kung hindi na ako nangulit sa Pag-ibig, 15 minutes tapos na iyon, which is good kasi mas mahabang time ang maigugugol natin sa pamilya natin.



Hindi ako sigurado sa sattelite offices, pero tingin ko naman mabilis din yun lalo kung me appointment ka sa kanila.



Kung wala ka namang appointment, hihingi ka ng number at maghihintay na tawagin ang numero mo.



Ang process ay pareho lang din, ang pagpila lang ang ipinagkaiba nya which is kakain talaga ng oras lalo kung marami ang kumukuha na nauna sa iyo.



So, ayun, para sa mga magbabakasyun sana makatulong ang impormasyun na ito.



Para sa guide sa pagkuha ng appointment, i-click ang link na ito.



No comments:

Post a Comment