Sunday, August 24, 2014

PAG-IBIG MEMBERSHIP PARA SA MGA OVERSEAS FILIPINO WORKERS



photo credit: google search


Sa bisa ng Republic Act 9679, simula Enero 2010 lahat ng mga Overseas Filipino Workers, land-based o sea-based man, ay kinakailangang magparehistro sa Pag-IBIG Fund bilang miyembro. Ang minimum membership savings buwan-buwan ay P100 lamang.


Tanong: Anu-ano ang mga benepisyo na matatanggap ng isang miyembro sa Pag-IBIG?


Sagot: Ang lahat ng miyembro ng Pag-IBIG ay makakatanggap ng mga sumusunod na benepisyo:

  • Savings
  • Short-term loans
  • Abot-kayang programa sa pabahay


Tanong: Paano magpaparehistro sa Pag-IBIG?

Sagot: Ang mga OFWs ay maaaring magparehistro online. Pumunta lamang sa PAG-IBIG website, www.pagibigfund.gov.ph at i-click ang "E-SERVICES."

Maari ding magparehistro sa mga sumusunod na tanggapan:


  • Pag-IBIG desks na matatagpuan sa mga Philippine Embassies o consulates sa labas ng Pilipinas
  • Pag-IBIG Fund International Operations Group, 6/F Justine Bldg., Sen. Gil Puyat Avenue, Makati City
  • Alinmang sangay ng Pag-IBIG sa Pilipinas
  • Pag-IBIG satellite office sa POEA

Tanong: Kailan maaaring makuha ang naihulog o impok sa Pag-IBIG?

Sagot: Maaaring makuha o ma-withdraw ng isang miyembro ang kanyang kabuuang impok sa mga sumusunod na kadahilanan:


  • Membership maturity matapos ang 20 taon na paghuhulog at matapos makapaghulog ng 240 monthly savings
  • Retirement sa edad na 60; mandatory retirement sa edad na 65
  • Pagkakatanggal o pag-alis sa trabaho dahil sa permanenteng pagkabaldado, o karamdamang pangkalusugan o sa pag-iisip
  • Permanent departure from the country
  • Pagkamatay ng miyembro, kung saan ang kanyang legal heirs ang syang tatanggap ng kanyang provident benefits.

Tanong: Anong mangyayari sa mga naimpok ng miyembro kung siya ay namatay?

Sagot: Ang kabuuang impok ng pumanaw na miyembro ay ibabalik sa kanyang mga legal heirs. Ibabawas dito ang kanyang mga loan obligations sa Pag-IBIG, kung meron man. Kung ang miyembro ay isang housing loan borrower of good standing, ang Mortgage Redemption Insurance o MRI ang syang magbabayad ng kanyang pagkakautang. Ang mga legal heirs ng namatay ay makakatanggap din ng additional death benefit na P6,000 o ang katumbas na halaga ng naimpok ng miyembro, alinman ang mas mababa.


Source: Pag-IBIG flyer


FOR ADDITIONAL INFORMATION, please visit their website at http://www.pagibigfund.gov.ph/
You can also send an email to publicaffairs@pagibigfund.gov.ph


YOU MAY ALSO LIKE:

SHARE THIS TO ALL YOUR FRIENDS ESPECIALLY OFWs para malaman din nila ang mga benepisyong maaring matanggap sa ating gobyerno.


Disclaimer: Hindi po konektado ang nagpapalakad ng blog na ito sa anumang ahensya ng Gobyerno ng Pilipinas, tanging pagpapalaganap lang ng impormasyun kung saan tayo maaring makakuha ng mga benepisyo mula sa ating pamahalaan.

No comments:

Post a Comment