Be a SMART stock investor guided by 8 top stockbrokers! (size 468x60)

Wednesday, June 11, 2014

ANG KWENTO KO (2006 to present) part 2



Ito na ang karugtong ng kwento ko. Medyo natagalan ang sumunod na kabanata kaya kinailangan kong basahin ulit ang unang parte.


Moving on......




Mabilis na lumipas ang mga araw. In 3 months time at bale dalawang beses kong pagtanggap ng sahod ko ay nabayaran ko na ang mga utang ko. From the expenses na nagamit ko sa pag alis ko hanggang sa mga naunang utang ko nung ako ay nasa Pinas pa.


Kaya nakalimutan na ang mga sakit sakit sa katawan at nasanay na din naman sa trabaho.


Nag umpisa na din dumami ang mga kaibigan ko. Madali lang naman makahanap ng kapwa pinoy dito kahit ang iba ay mukhang koreano na, meron mukhang Bangladesh, pero sa isang sigaw mo lang ng kabayan at biglang lumingon ito ay alam mong pinoy din ito.


Susunod nuon, kapag nagsalita na ng tagalog, magtatanong ang isa, at palagay ko ito ang pinakapopular na unang tanong ng pinoy sa unang pagkikita, "SAAN KA SA TEN KABAYAN?". Kung nakarelate ka, certified OFW ka.


Umabot na ang anim na buwan ngunit parang mani nalang ang trabaho ko, pero hindi ko maikakaila na nahirapan ako nung unang mga buwan. Kitang kita sa katawan ko. Galing 86 kilos nuong umalis ako ng pinas ay 71 kilos nalang ako pagkatapos lang ng 5 buwan. Pati sa mga pictures ko sa nooy sikat na social media site, ang FRIENDSTER, kitang kita na para daw akong malnourished. Ngunit malnourished man ang itsura, kapag sumahod naman mataba naman ang bulsa.


Swerte din ang unang taon namin kasi ang dolyar nuon ay mahal kumpara sa piso kaya antaas ng sinasahod namin.


Ang sinasahod namin nuon ay lagpas halos sa bagong salta na mga engineers sa Singapore. I should know dahil ang mga kasamahan ko sa dati kong trabaho ay nagkikwento ng mga sahod nila. Kapag paldo pa ang OT namin nuon ay aabot minsan sa 6 digit kapag naipalit mo sa piso ang buong sinahod mo. Ang kagandahan pa sa napuntahan ko, since libre na lahat maliban sa internet, ay wala na kaming ibang gastusin kundi pagkain kapag walang pasok at pantawag sa Pinas.


Pero nuong nagsimulang bumagsak ang finances ng buong mundo, sa natatandaan ko, unang naramdaman namin iyong pagbabago ay May 2008. unti unting bumaba ang value ng won to dollar, at dollar to peso. Unti unti ding humina ang naipapadala namin sa pamilya at naisisave.


October 2009 nuon, at 3 buwan nalang ay matatapos ko na ang tatlong taon kong kontrata ng biglang halos wala na talagang trabaho. Nagtanggal ang amo namin ng ilang workers. Pinoy ang karamihan. Nagpaalam ako na uuwi nalang muna since patapos naman na ang kontrata ko. Pumayag naman sila kaya nakauwi ako ng December.


tuloy natin ang ibang wento sa sunod na post....


naisip kong magdagdag muna sa mga mas makabuluhang mga posts... :D

No comments:

Post a Comment