Wednesday, June 10, 2015

PAALALA - MAG-RENEW 9 BUWAN BAGO MAG-EXPIRE ANG PASSPORT!






Sa mga me tanong tungkol sa renewal ng passport, ito po ang tugon ng Embassy.




Dumadami po ang mga pakiusap sa Embahada na mag-facilitate o expedite ng passport renewal. Dahil po sa mga ganitong kaso, na kung saan wala po talagang magagawa ang Embahada, nais naming paalalahanan ang lahat na pakitingnan ngayon pa lang na katapusan ng enero kung:



1. Maayos ang kalagayan ng inyong passport (hindi damaged o nawawala); at

2. Kailangan nang i-renew ang passport ninyo ngayong taon o sa early 2015

Kung ganoon ang kaso, kailangang pebrero pa lang, magpa-appointment na kayo sa Embahada para sa renewal.

Ang dahilan po dito ay pangkaraniwan, ang passport ay dapat baguhin o palitan nang bago di kukulang na anim (6) na buwan bago sa petsa ng pagkawalang bisa nito. Kaya lang, dahil hindi na kikilalanin ang lahat green at maroon passport (sa ibang salita, lahat ng passport na hindi e-passport o walang micro-chip) mula sa ika-15 ng oktubre 2015, inaasahan na maraming magkakasabay sa pagre-renew ng passport sa taong ito.

Huwag na pong intayin na pumatak sa anim na buwan ang validity ng passport ninyo. Ang aming rekomendasyon - mag-renew kahit na siyam (9) na buwan pa bago mag-expire ang inyong passport. ng aga naman, wika ninyo. Paano kapag tamang-tama lang? Bakit, wika ninyo?

1. Matagal magpa-appointment
Ang passport renewal ay isa sa kaunting serbisyo ng Embahada na REQUIRED na magpa APPOINTMENT. Dahil karamihan ng mga kababayan natin ay gustong magpa-renew ng linggo at limitado ang slots for renewal, madalas ay isa o 1.5 buwan bago makakuha ng appointment.
6 buwan + 1 buwan = 7 buwan

2. Mas matagal ditong mag-renew 
Sa mga nakakaalam na nakapagpalit na ng passport sa Korea, higit kumulang na walong (8) linggo ang tagal ng pagpo-process ng bago mula dito sa Korea. Sa Pilipinas makukuha ng 2 linggo lang (10 working days) ang bagong passport. Pero dahil sa security at logistic reasons, mas matagal kumuha ng passport sa overseas posts.
6 buwan + 1 buwan + 2 buwan = 9 buwan

3. Hindi pwedeng magpa-expedite
Hindi po pwedeng pa-expedite ang walong linggong processing time. Maaring swertehin at lumabas ito ng 4-6 na linggo, pero ito po ay walang kasiguradohan.

4. Walang passport extension
Sa Pilipinas, kahit mahirap itong gawin, may mga dahilang pwedeng mag-bigay ng extension lampas sa validity ng passport. Sa overseas post, kahit sa ano pang dahilan, walang extension. Kapag kulang ng anim na buwan ang inyong passport, hindi pwedeng magbiyahe maliban sa papunta sa atin - isang one-way ticket.
Kung ano pa man, talagang hindi na pwedeng gamitin lahat ng lumang passport mula sa 2015.

Halimbawa: 

Kung ang passport ninyo ay mage-expire ng nobyembre 2014, iniisip ninyo na siguro sa mayo pa kayo pa-renew. Kung bibilang kayo ng walong buwan, siguro sa marso pa lamang ay kumuha na kayo ng appointment. Ang isip ninyo, "dalawang buwan pa bago ako pupunta ng Embahada para magpa-renew." Kung magiintay pa kayo, kulang na ang oras! Bakit? Kasi po ngayong enero pa lamang, ang susunod na bakanteng schedule for appointment ay marso na! Ibig sabihin, kahit nobyembre pa ang expiration ng passport dapat enero o matapos ng Seollal ay dapat magpa-appointment na! Dito lamang makakasiguro tayo na handa lagi tayong bumyahe, kung ano man mangyari.




PS: Kung gusto mong matuto mag-invest sa stock market or simply wants to learn how to manage your finances, drop me a message. Email me from the contact form.


PS2: Kung gusto mo ng libro on stock market at guide kung pano mag-invest dito, click mo ang link na ito: TRULY RICH CLUB


PS3: Gusto mong maprotektahan ang pamilya mo sa hospitalization? watch the video presentation here: http://bit.ly/protect-and-earn






7 comments:

  1. 5 months pa po expired passport s pwede po b dun n lng kumuha

    ReplyDelete
  2. Pwdi na po ba e renew ang passport kahit october 2019 pa ang expyrd?

    ReplyDelete
  3. Pwd n auguro renew passport q kc by April 2019 maeexpire n ito

    ReplyDelete
  4. Pwde narin ba ako makapag renew sept 2020 pa expire passport ko para di hassle

    ReplyDelete
  5. Hello po,pauwi na po ako this coming november madam/sir para mag bakasyon lang po ako sa pinas nang tatlong buwan,dito po ako sa Saudi Arabia at mag eexpire na po Ang passport ko this coming July 2019 anu po ang dapat kong gawin dito ko na lang ba mag renew sa saudi arabia?at ilang buwan po bago mkapag appointment for passort renewal...salamat po

    ReplyDelete