Saturday, January 10, 2015

AN EPS WORKER FEATURED IN BIYAHENG LANGIT








Arwin’s New-found Legacy (BUENA MANO NI ARWIN BUENO)









Anim na taon ng naninirahan sa South Korea si Arwin, kung saan siya nagtatrabaho bilang machine operator sa Hung Jin Industry, isang kumpanyang naka-base sa Busan.


Mula siya sa Tanauan, Leyte at ayon sa kanya ay halos isang taon rin siyang naghintay bago nabigyan ng pagkakataon na makapagtrabaho sa labas ng bansa.

Gaya ng karaniwang dahilan ng mga ama ng tahanan na nagtatrabaho sa ibang bansa, nais niyang mabigyan ng higit na magandang buhay ang kanyang pamilya kung kaya naman kahit malungkot ay tiniis niya ang pangungulilang nadarama. 

Hinarap din niya ang mahirap na trabaho at mahabang oras na kanilang ginugugol dito. Kapalit ng sweldong umaabot sa 47,000 kada buwan ay mahigit labindalawang oras nagbabanat ng buto si Arwin kada araw.

“Sa Korea kasi ang usual na trabaho dito is 9-12 ng gabi, hindi ito karaniwang 8 hour job, saka mabigat lalo’t yung katulad ng napasukan ko, pag baguhan ka maninibago ka.” Kwento niya.

Sa kabila ng mga pagsubok ay masaya pa rin si Arwin sapagkat aniya ay malaki ang tiwala ng mga Koreano sa mga Pilipino pagdating sa trabaho at napatunayan niya ito sapagkat pawang mga Pinoy umano ang hinahanap na empleyado na kanilang kumpanya.

Samantala, kung sa umaga ay isang ulirang empleyado si Arwin, sa gabi ay isa siyang blogger.

Sa kanyang blog na ‘Gusto Kong Yumaman’ ay sinasagot niya ang karaniwang katanungan ng mga Pinoy na tulad niyang nakikipamayan at nagtatrabaho sa ibang bansa. Mayroon rin doong mga payo kung paano panghahawakan ng matalino at maayos ang mga financial assets ng isang tao.

Nagsisilbi rin siya at nagvovolunteer na magdaos ng mga financial literacy seminars sa kanyang mga libreng oras.

“Nagbibigay rin ako ng seminar financial literacy from personal finance hanggang stock market investing. Nakakasama ko ang OWWA volunteer ako sa kanila pag sa seminars.”Pagbabahagi pa niya.

Bukod sa naipundar na negosyo sa Pilipinas at sa dalawang tricycle na pinagkakakitaan ng kanyang pamilya sa Leyte, sa kasalukuyan ay nag-aaral si Arwin at nabanggit rin niyang isa sa mga plano niya sa buhay ay ang maging ganap na financial adviser upang higit na maibahagi ang kanyang mga karanasan at kaalaman.

Sa pagtatapos ng aming kwentuhan ay sinabi niya sa akin na kakaibang kaligayahan ang kanyang nadarama sapagkat bukod sa naitataguyod niya ang kanyang pamilya ay nakatutulong pa siya sa kapwa sa kanyang munting paraan.

*******
Sa iba pang istorya ng buhay ng ating mga kababayan over-seas, tumutok lamang sa Biyaheng Langit at Kasangga Mo Ang Langit sa PTV-4 tuwing Linggo 10:30 ng gabi. Bisitahin ang Facebook fan page: BIYAHENG LANGIT/KASANGGA MO ANG LANGIT.


Watch the teaser here: Full video will be uploaded soon









Nainspire ka ba sa kwento ko? SHARE MO na para mas marami pa tayong maabot.




Antabayanan din ang update para sa posibleng TOPIK exam ngayong taon.





PS: Kung gusto mong matuto mag-invest sa stock market or simply wants to learn how to manage your finances, drop me a message. Email me from the contact form.


PS2: Kung gusto mo ng libro on stock market at guide kung pano mag-invest dito, click mo ang link na ito: TRULY RICH CLUB


PS3: Gusto mong maprotektahan ang pamilya mo sa hospitalization? watch the video presentation here: http://bit.ly/protect-and-earn


PS4: Kung ikaw ay isang NETWORKER/NETWORK MARKETER, REAL ESTATE AGENT na hirap makabenta o makabuo ng team, click mo ang link na ito para matutunan mo ang tamang paraan para ikaw ay maturuan ng husto: http://bit.ly/learn-study-earn










No comments:

Post a Comment