Be a SMART stock investor guided by 8 top stockbrokers! (size 468x60)

Sunday, March 29, 2020

Ang KWENTO NG ISANG EPS WORKER (Part 1)





QnA with Yalli Yalli


What is your name and Nationality?


Ako si Arwin, isang Pinoy na dating nagtatrabaho sa Korea bilang isang EPS (Employment Permit System) worker.






When did you arrive in Korea and when did you finish?



Nagtrabaho ako sa Korea simula January 2006 hanggang October 2015 sa isang spare parts
manufacturer para sa Hyundai Heavy Industries.
Nag-ooperate ako ng MCT (Machining Center). Kasama sa pagiging operator ay ang grinding at occasional welding sa aming naproduce. Natuto din akong magprogram ng MCT.


What were you doing before going to Korea?

Bago ako napunta ng Korea, nagtrabaho ako sa ilang malalaking kumpanya katulad ng Coca-Cola Bottlers Philippines, Rohm Electronics, Philip Morris Philippines. Nagtayo din kami ng Refrigeration and Air-conditioning Services Company kasama ang ilang kaibigan. Nagseservice kami sa ilang mga kumpanya sa Laguna at ilang kabahayan. Hindi sapat ang kinikita ng aming negosyo sa lumalaking pangangailangan ng aking pamilya kaya naisipan kong mag-apply abroad. May mga napasahan din ako ng requirements papunta sa ibang bansa maliban sa Korea ngunit nangibabaw sa akin ang papuntang Korea sa dahilang mas maliit ang magagastos sa application dito.


How did you learn about EPS?


Nalaman ko ang hiring sa Korea sa Tiyahin ko na nagtratrabaho bilang Liaison Officer sa isang travel agency, parte ng kanyang trabaho ang madalas na pagpunta sa POEA at doon nya nalaman ang detalye tungkol sa job opening ng workers papuntang Korea at sa POEA lamang ang pagpapasa ng requirements at ang buong proseso ay handled ng agency na ito. Kinabukasan ay maaga pa akong pumila sa POEA para maipasa ang aking mga dokumento.


What preparations did you make to work in Korea?


Sa unang apply ko, wala pang EPS-TOPIK exam. Magpapasa lang kami ng required documents at maghihintay ng tawag kung sakaling napili na ng employer. Kapag may employer na ay magpapamedical at magsasanay na ng Korean Language Training for 80 hours or 10 days. Pagkatapos ng training ay dadaan sa Occupational Safety Training at Pre-Departure Orientation Seminar. Umabot ng isang taon simula magpasa ako ng requirements ko bago ako napili ng employer at tatlong buwan naman ang inabot hanggang sa makaalis papunta ng Korea.

Pagdating sa Korea ay may additional 3 days training. Basic refresher ng Korean Language at Culture at Occupational Safety.


Why
 did you decide to work in Korea? 

Napagdesisyunan kong mag-apply ng Korea dahil mahina ang naging kita namin sa negosyo at lumalaki na rin ang pangangailangan ng pamilya ko. May mga kaibigan akong nagtatrabaho din sa Korea na nagkikwento sa sahod at klase ng kanilang pamumuhay. Mas maganda din ang buhay ng pamilya nilang naiwan kaya nahikayat din talaga ako.

Ang kagandahan din sa pag-aapply sa Korea ay mababa lang ang gagastusin sa buong application process. Nasa 60,000 pesos ang tantya ko sa inihanda ko kasama ang pocket money. (Sa baba ang post ng POEA sa cost ng application).




Source: http://poea.gov.ph/epstopik/files/cost_eps.png


What were your goals/motivation for working there?

Naging motivation ko sa pagtrabaho sa Korea ang pangarap ko na magkaron ng sariling bahay, makapag-ipon para sa pag-aaral ng anak ko at makapagpundar ng sariling negosyo. Ito rin ang nagbigay sa akin ng lakas ng loob na labanan ang homesick lalo na nung unang mga taon ko ay hindi pa uso ang sariling computer dahil sa taas ng presyo nito. Nakakapagvideo call lang kami once a week pag nagpupunta kami sa tinatawag nila PC Bang o mas kilala sa atin na internet cafe.



In your opinion, what are the benefits of working as an EPS worker?

Madaming benefits sa pagtatrabaho sa Korea. You get to enjoy salary na pareho ng Koreans. May health, accident and pension insurance. Ang protection sa karapatan na naienjoy ng Korean workers ay ganuon din ang ibinibigay sa EPS workers.

May mga kumpanya pang nagbibigay ng libreng pabahay at pagkain. Hindi man lahat ng kumpanya ay nagbibigay ng ganitong benepisyo ay hindi rin naman ganun kahirap dahil hindi naman kamahalan din ang upa ng mga bahay sa Korea lalo kung hindi naman mapili sa tirahan ang EPS worker. Hindi rin kamahalan ang presyo ng mga pagkain na minsan pa ay mas mura pa kung ikukumpara dito.

Ang importante ngayon pag ang isa ay gustong mag-apply bilang EPS worker ay paghandaan na maging malusog dahil may TB test na kailangan ipasa. Dapat maging handa rin sa EPS-TOPIK exam kaya dapat mag-aral ng mabuti para maipasa ito.

Malaki ang maitutulong ng youtube videos sa pag-aaral, kahit pa nag-aral sa isang Korean Language training center.


Sa mga gustong mag home study ng Korean Language ay meron mga youtube videos na pwedeng makatulong.


Here are some links:





https://www.youtube.com/watch?v=2wYbB-PnB5I&t=37s







No comments:

Post a Comment